Napoles, sinubukang mag-withdraw ng higit P11-M

at 3:47 AM  |  No comments

Tinangka umano ng itinuturong utak ng bilyong-pisong pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles na mag-withdraw ng mahigit P11 milyong mula sa kanyang account sa savings and loan association sa Maynila.



Ayon sa Manila Regional Trial Court Branch 22, bukod sa pagkuha ng pera, tinangka pa umano ni Napoles na isara ang kanyang bank account sa Air Materiel Wing Savings And Loan Association Inc. sa Binondo.

Natuklasan pa ng korte, na may hawak sa forfeiture case ng mga isinasangkot sa pork barrel scam, na sinubukan ni Napoles na kunin ang balanse sa savings and loan association noong Hulyo 31.



Ayon sa korte, walang lehitimong source of income ang mga respondent na susuporta sa halagang naka-deposito sa kanilang mga account.

Sinasabing nakipagsabwatan pa ang dating bank manager sa mga Napoles at sa dating tauhan ng "pork barrel scam queen" at ngayo'y whistleblower na si Benhur Luy at pineke ang ilang dokumento sa pagtatago ng mga account.

Sinasabing tinangkang ilabas ang pera mual sa account ni Napoles, mister nitong si Jaime, mga anak na si James Christopher, Jean Catherine, Jo Christine at nina John Christian Lim, Reynald Lim, Willam Francisco Lim, John Raymon de Asis at Maria Winnie Villanueva.

Pawang sakop ng Provisional Assets Preservation Order (PAPO) o freeze order na inilabas ng korte kaugnay ng mga kasong kinasasangkutan ni Napoles. 

© Provided by 

Report from Ricky Velasco, Radyo Patrol 39

Share
Posted by Documentaries

0 comments:

© 2013 Read more. Woo Themes converted by Bloggertheme9
Blogger templates. Proudly Powered by Blogger.