Munisipyo ng Paluan, Occ Mindoro, nilusob ng NPA; mayor dinukot

at 3:50 AM  |  No comments

Dinukot ng mga miyembro ng New People's Army (NPA) ang alkalde ng Paluan, Occidental Mindoro at administrator nito, Biyernes ng hapon. 



Ayon kay SPO1 Nilo Poja, communications officer ng Occidental Mindoro Police, alas-3:30 nang lusubin ng mga rebelde ang munisipyo ng Paluan. 

Dito aniya dinukot ng tinatayang 50 miyembro ng NPA si Paluan Mayor Carl Michael Pangilinan at administrator na si Engr. Carl Yambao. 

Pero ilang oras lang ang nakalipas, natagpuan din ang alkalde at ang administrator nito malapit sa Calauagan River matapos iwanan ng mga rebelde na agad nagsitakas. 



Nagbigay na ng salaysay ang alkalde sa pulis. 

Dalawa naman ang nasawi sa nangyaring pag-atake ng NPA habang apat na pulis ang sugatan. 

Patuloy ang follow-up operation ng mga awdtoridad. 

© Provided by 

Report from Arnell Ozaeta, DZMM Correspondent

Share
Posted by Documentaries

0 comments:

© 2013 Read more. Woo Themes converted by Bloggertheme9
Blogger templates. Proudly Powered by Blogger.