VP Binay, ipinahihinto kay PNoy ang DOJ probe?

at 3:33 PM  |  No comments

© Provided by  dzmm.com.ph

Dumulog na umano si Vice President Jejomar Binay kay Pangulong Noynoy Aquino para mapahinto ang imbestigasyon sa mga kontrobersyang kanyang kinahaharap.

Ayon kay Senador Antonio Trillanes IV, nakipagpulong ang bise presidente sa Pangulo nitong Martes, Oktubre 14 para hilinging ipahinto ang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ).

Pero agad itong pinasinungalingan ni Cavite Governor Jonvic Remulla, tagapagsalita ni Binay.

"How can the Vice President ask the President to stop a probe that hasn't started at that time?"

Paliwanag ni Remulla, nag-usap sina PNoy at Binay nitong Martes, dalawang araw bago ipag-utos ni De Lima sa National Bureau of Investigation (NBI) na busiin ang mga alegasyon laban sa bise presidente at pamilya nito.

Banat pa ni Remulla kay Trillanes, "[He] has a habit of inventing things. There were two people in that meeting. Trillanes wasn't one of them. From what I know, the President thinks very little of Trillanes." 

Pero pinaninindigan ng senador na propaganda lang ng bise presidente na naging positibo ang pakikipagpulongnito sa Pangulo matapos batikusin ang administrasyon.

'Hacienda Binay'

Magpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Senado sa mga Binay.

Kumpiyansa si Trillanes na mapapatunayan sa pagdinig na si VP Binay ang may-ari ng 350-ektaryang lupain sa Rosario, Batangas dahil may mga dokumento anya siyang magpapatunay nito.

Mapapatunayan din anyang dummy lamang ni Binay ang negosyanteng si Antonio "Tony" Tiu at tiyak na guguho ang nauna nitong pahayag na inuupahan lamang ng bise presidente ang bahagi ng hacienda.

Inamin naman ni Trillanes na naging kaibigan niya si Tiu matapos maimbitahan sa paglulunsad ng agri-tourism property pero hindi anya niya ito palulusutin. Ipauubaya niya kay Sen. Alan Peter Cayetano ang pagtatanong sa negosyante.

Tiwala si Trillanes na hindi ipahihinto ni PNoy ang imbestigasyon ng Senado.

Kaugnay naman ng sinasabing Operation Plan Stop Nognog in 2016, sinabi ng senador na napapraning lang si VP Binay kaya pinalulutang ito. With report from Ruby Tayag, Radyo Patrol 16



Share
Posted by Documentaries

0 comments:

© 2013 Read more. Woo Themes converted by Bloggertheme9
Blogger templates. Proudly Powered by Blogger.