© Provided by dzmm.com.ph
Laya na at nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang dalawang German na binihag ng Abu Sayyaf.
Kinumpirma sa DZMM ni Philippine National Police (PNP) Anti-Kidnapping Group Director Senior Superintendent Roberto Fajardo na alas-9:00 ng gabi ngayong Biyernes nang makuha ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kustodiya sa mga German na sina Dr. Stefan Okone
Ayon sa mga source ng DZMM, sinabi umano ni Abu Rami, tagapagsalita ng Abu Sayyaf, na pinalaya ang dalawang bihag matapos makapagbayad ng ransom.
"Walang labis, walang kulang," sabi umano nito.
Nananatili namang tikom ang bibig ng Western Mindanao Command ng AFP.
P250 milyon ang unang hinihingi ng Abu Sayyaf kapalit ng kaligtasan ng dalawang German.
Abril nang dakpin ng mga bandido ang dalawang banyaga sa isang isla sa Jolo.
0 comments: