Lolo, hinostage ang apo sa Manila North Cemetery ngayong Undas

at 6:21 PM  |  No comments

Isang maiksing hostage taking ang naganap malapit sa Main Avenue sa loob ng Manila North Cemetery, Sabado ng madaling araw.

Arestado ang suspek na si Jun Gonzales, 56 anyos makaraang i-hostage ang sariling 12 anyos na apo na babae. Nagtitinda ng mga chichirya sa loob ng sementeryo ang suspek at may sarili silang stall. 




Dakong alas-4:00 ng madaling araw, biglang nagsisigaw ang suspek na susugurin daw siya ng mga tao at may papatay sa kanya kaya inakap niya ang apo at kumuha ng bread knife. 

Sa pakikipag-usap sa mga kaanak ng suspek na nagtitinda rin sa sementeryo, hinihinala nilang may nervous breakdwon ang suspek o puyat na puyat sa ilang gabing pagtitinda. 

Ang suspek ay lolo ng biktima sa second degree at sinasabing ito ang nagpalaki sa kanya.

Pinaligiran ng mga pulis at rescue team sa sementeryo at nakuha ang bata.

Ikinulong nsa MPD Station 3 Central Police Station ang suspek habang ang bata ay ibinalik sa magulang. © Provided by By Zhander Cayabyab, Radyo Patrol

Share
Posted by Documentaries

0 comments:

© 2013 Read more. Woo Themes converted by Bloggertheme9
Blogger templates. Proudly Powered by Blogger.