Binay sa Instagram photos ng anak: 'Pag nagpalitrato ikaw na ang may-ari?

at 5:20 PM  |  No comments

Binanatan ni Vice President Jejomar Binay ang aniya'y paggamit ng Senate Blue Ribbon subcommittee sa kaniyang anak na babae para lang siya siraan.




Patungkol ito sa ginawang pagbubulgar noong Huwebes ni Sen. Alan Peter Cayetano sa Instagram photos ng pinakabatang anak ni ng bise presidente kung saan makikita ang pamilya Binay sa loob ng tinaguriang Hacienda Binay sa Rosario, Batangas. 

Matagal nang itinatanggi ng mga Binay na kanila ang ekta-ektaryang ari-arian pero sa mga larawan na inilabas ni Cayetano, makikita pa ang bise-presidente na nagbi-videoke sa loob. 

Ayon kay Binay, nakalulungkot na ginagamit pa ang kaniyang bunsong anak para lang umano siya siraan. 

"Sobra na po. Sobra na," sabi ni Binay sa isang pahayag. 

Kinontra pa nito si Cayetano at sinabing hindi sapat na basehan ang mga larawan para gamiting patunay na kanila nga ang sinasabing Hacienda Binay. 

"Ano po bang masamang magpa-litrato. Yung place na iyon, may lease hold iyon. Tumatanggap ng bisita ang may ari noon. So evidence po ba iyon na nagpa-litrato ka sa isang lugar at sinabi mong in this place, ikaw na ang may ari? Hindi naman siguro evidence of ownership iyon," dagdag pa ng bise-presidente. 

Binatikos din ni Binay ang pagtanggi ni Cayetano na pagsalitain si Navotas Rep. Toby Tiangco nang magtungo ito sa pagdinig sa Senado. 

"Yan po ang tatak Cayetano. Akala niyo kung sino. 'Yun na lang per protocol na lang. Pati naman ho 'yung abogado, 'yung karapatan ng mga pinatawag doon na magkaroon ng abogado pinaalis pa. Ewan ko na, iba na ho talaga ang batas na nalalaman nitong mga taong 'to sa Senado," sabi pa nito. © Provided by By dzmm.com.ph

Share
Posted by Documentaries

0 comments:

© 2013 Read more. Woo Themes converted by Bloggertheme9
Blogger templates. Proudly Powered by Blogger.