© Provided by dzmm.com.ph l
Nasamsam ng pinagsanib na pwersa ng Task Force Tugis at Highway Patrol Group ang tatlong kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P15 milyon mula sa isang kotse sa Malate, Maynila.
Nagmamatyag sa bahagi ng Agoncillo Street ang mga pulis kaugnay ng natanggap na tip tungkol sa mga iskalawag na pulis na nangha-hijack ng sasakyan nang mapansin ang isang kahina-hinalang kotse dakong alas-11:45 Miyerkules ng gabi.
Ininspeksyon nila ito at tumambad sa kanila ang tatlong kilo ng shabu na nakasilid sa plastic sa loob ng isang bag.
Sakay ng kotse ang babaeng kinilalang si Sheila Somar.
Pero itinanggi ni Somar na may kinalaman siya sa operasyon ng ilegal na droga. Kwento pa niya, hindi siya marunong mag-drive pero nakuhaan siya ng driver's license.
Inaalam pa ng pulisya kung may koneksyon sa mga iskalawag na pulis ang pagkasabat ng shabu. Report from Zandro Ochona, Radyo Patrol
0 comments: