Bong Revilla, may 'dummy' corporation - AMLC

at 7:26 PM  |  No comments

Tinawag na dummy corporation ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang isang kumpanya ni Senador Bong Revilla.



Sa pagdinig sa hirit na piyansa ng senador, sumalang sa cross-examination ang kinatawan ng AMLC na si Atty. Leigh Vhon Santos at sinabing bagama't lehitimo ang Nature Concept Corporation ay hindi na ito nag-o-operate.



Gayunman, patuloy anya ang pagpasok ng pera rito kabilang ang P2.2 milyon noong 2007, P15 milyon noong 2009 at panibagong P250,000 noong 2009.

Giit ni Santos, maituturing na dummy ang Nature Concept Corporation.

Wala rin aniya itong corporate at financian activities na iniulat sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Batay pa sa report ng AMLC, kabuuang P27.745 milyon ang natanggap ng kumpanya mula 2007 hanggang 2010, ang panahong ibinunyag ng pork scam whistleblower na si Benhur Luy na tumanggap umano ng kickback si Revilla mula sa mga maanomalyang transaksyon kay Janet Napoles.

Nanindigan naman si Revilla na lehitimo ang naturang kumpanya at handa anya silang ipaliwanag ito sa mga susunod na pagdinig.

Itinakda ang susunod na hearing sa Oktubre 30, alas-8:30 ng umaga at alas-1:30 ng hapon. Report from Johnson Manabat, Radyo Patrol 46 - © Provided by DZMM

Share
Posted by Documentaries

0 comments:

© 2013 Read more. Woo Themes converted by Bloggertheme9
Blogger templates. Proudly Powered by Blogger.