2 sundalo, patay sa pag-atake ng BIFF sa ospital sa Maguindanao

at 12:34 AM  |  No comments

Patay ang dalawang sundalo mula Philippine Army matapos pagbabarilin ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) habang nagbabantay ng Integrated Provincial Hospital sa Barangay Limpongo, Datu Hoffer sa Maguindanao.

Ayon kay Lt. Col. Dickson Hermoso, tagapagsalita ng 6th Infantry Division ng PH Army, nagkunyaring mga pasyente ang dalawang hinihinalang rebelde at sumabay sa ilang magpapakonsulta sa ospital dakong alas-8:30 Miyerkules ng gabi.

Nakapuwesto ang mga sundalo sa emergency room ng pagamutan at nang matapatan ng mga BIFF saka na nito pinagbabaril ang mga sundalo.

Agad namang nagsitakas ang mga suspek tangay ang mga service firearm ng mga biktima na M-16 at M-14.

Bagama't may mga nakabantay na sundalo sa likuran ng pagamutan, hindi agad nakaresponde ang mga ito.Report from Edwin Sevidal, Radyo Patrol 37 - DZMM



Share
Posted by Documentaries

0 comments:

© 2013 Read more. Woo Themes converted by Bloggertheme9
Blogger templates. Proudly Powered by Blogger.